Kapag climate change ang pinag-uusapan, wala bang ibang pwedeng kausapin kundi ang siyentipiko? Sila lang ba talaga ang may kakayanang magpaliwanag kung ano ito? Para sa isang bansang katulad ng Pilipinas na taon-taon ay sinasalanta ng bagyo, at kung saan libo-libong tao ang naapektuhan, mahirap ba talagang intindihin ito?
Naniniwala ang OML Center na kahit sino ay may kakayanang pag-usapan ang climate change dahil parte ito ng pang-araw-araw na buhay natin bilang Pilipino. Hindi natin namamalayan na laman siya ng ating mga kwento sa buhay.
Kaya nung nakaraang taon, naisipan ng OML Center na gumawa ng isang dokumentaryo na layong maikwento kung ano ang pagkakahulugan ng klima sa buhay nating mga Pinoy. Ngunit aling kwento ang pinakamahulugan?
Tinipon ng OML Center ang iba’t ibang sector upang mabigyan ng espasyo ang samu’t saring pananaw patungkol sa klima. At sa kagustuhang malaman kung anong kwento ang dapat mangibabaw, may kakaibang kwento kaming narinig. Panoorin ang video para malaman ang kwento.
Ang dokumentaryong “Mga Kwento ng Klima” ay mapapanood ng libre sa ABS-CBN News YouTube channel: Part 1: Intro and “Hinagupit ng Bagyo”, Part 2: “Nilamon ng Tubig”, Part 3: “Sinukol ng Gutom”, Part 4: “Enerhiya at Kalikasan”, and Part 5: “Binuhay ng Pagasa”.